Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 15 Oktubre 2026 15 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-7-9

Hustisya, sigaw ng pamilya ng pinaslang na Brgy. Chairman

Naniniwala si Michelle na may kinalaman sa pulitika sa barangay ang motibo sa pagpatay sa kaniyang asawa.

Sinabi ni Michelle Austria, na napakabait ng kaniyang asawang si Chairman Dennis Austria  para paslangin ng walang kalaban-laban.TBST News
I-share

STO. TOMAS CITY, Batangas –  Sumisigaw ng  hustisya ang asawa ng kapitan ng Barangay Sta. Anastacia na pinagbabaril sa kaniyang bahay nitong Huwebes ng umaga.

Sinabi ni Michelle Austria, na napakabait ng kaniyang asawang si Chairman Dennis Austria  para paslangin ng walang kalaban-laban.

“doon sa gumawa at lalong-lalo na doon sa nagpagawa  kasi hindi naman ito gagawin kung walang nag-utos,  alam nyo po sa sarili nyo kung gaano kabait na tao si Kap , kung gaano kabait na ama ng barangay” sabi ni Michelle Austria.

Naniniwala si Michelle na may kinalaman sa pulitika sa barangay ang motibo sa pagpatay sa kaniyang asawa.

” sana hindi  kayo bumawi ng buhay kasi pulitika lang yan, ang pulitika may hangganan, hindi naman po ito lifetime  at alam naman po ng lahat kung gaano kabait si Kap sa barangay , kung gaano karami ang proyekto na natutulungan dito sa aming barangay  ” sabi niya.

“kaya po kung sinoman po talaga yung nag-utos ,  ang pulitikak ay sa inyo na  ,sana  hindi ninyo ginawa ito kasi  inisip nyo sana yung pamilyang maiiwan ” dagdag pa niya.

Bumuo na ang mga otoridiad ng Special Investigation Task Group para siyasatin ang kaso.

May Php 200,000 na rin na alok na pabuya si Mayor Arth Jhun Marasigan.

 

Kaugnay na Balita