Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 15 Oktubre 2026 15 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
EZ2 18-22
BREAKING

₱200K alok na pabuya ni Mayor Marasigan para maresolba ang pagpatay sa Brgy. Chairman

Ayon kay Mayor Marasigan, may lead na ang mga otoridad  sa kaso pero hindi muna niya idinetalye ang posibleng motibo sa krimen.

Php 200,000 ang alok na pabuya ni Mayor Arth Jhun Marasigan para makilala at maaresto ang mga suspek.TBST News
I-share

STO. TOMAS CITY, Batangas –  Kinondena ni Mayor Arth Jhun Marasigan ang pamamaslang kay Brgy. Sta. Anastacia Chairman Dennis Austria habang naglilinis ng gate ng kanilang bahay sa My Homes Subdivision nitong Huwebes ng umaga.

“madalim na araw para sa Sto. Tomas ito dahil sa matagal na panahon ngayon lang may nangyari na ganito na isang kapwa isang lingkod bayan natin, isang kapitan pa ng isang malaking barangay ” sabi ni Mayor Marasigan.

“ang buong Sto. Tomas po ngayon ay nagdadalamhati at nakahalf mast po ang ating bandila ngayon” sabi pa ng alkalde.

Nag-alok na ng ₱200,000  na pabuya si Mayor Marasigan para mapabilis ang pagresolba sa kaso.

Ayon kay Mayor Marasigan, may lead na ang mga otoridad  sa kaso pero hindi muna niya idinetalye ang posibleng motibo sa krimen.

Malinaw na planado ang pagpatay kay Chairman Austria.

“lumalabas base sa ating CCTV ,sa ating mga saksi na nakausap ay mukhang planado, pinagplanohan ang pagpatay” dagdag ni mayor.

Sabi ni Mayor Marasigan, sa pag-uusap niya dati sa biktima ay wala naman nababanggit ito na banta sa kaniyang buhay.

 

 

 

 

Kaugnay na Balita