Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 15 Oktubre 2026 15 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 2-6-3

Mga family food packs mula sa DSWD,dumating na sa Isla ng Jomalig na apektado ng El Niño

Laman ng  family food packs ang limang kilo ng komersiyal na bigas.

2,450 family food packs ang ipinadala ng DSWD sa Jomalig Island bilang paunang tulong sa mga apektado ng matinding tagtuyo't dulot ng El Niño.JOMALIG LGU
I-share

JOMALIG ISLAND — Dumating na sa isla ng Jomalig, Quezon ang mga family food pack mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakatakdang ipamahagi sa 2,450 benepisyaryo sa gitna ng epekto ng El Niño nagdulot ng kawalan ng hanapbuhay ng mga magsasaka  na hindi makapagtanim dulot ng kakapusan ng suplay ng tubig.

Ang mga family food packs ay mula sa  kahilingan ni Jomalig Mayor Nelmar T. Sarmiento  kay  DSWD Secretary Rex Gatchalian., sa pakikipag-ugnayan kay  Quezon 1st District Rep. Wilfrido Mark M. Enverga.

Laman ng  family food packs ang limang kilo ng komersiyal na bigas.

Nasa ilalim ng state of calamity ang bayan ng Jomalig dahil sa tagtuyot na nararanasan dulot ng El Niño.

Dahil isla ang Jomalig, kinailangang isakay sa mga bangka ang mga food packs at suplay upang maihatid ang ayuda sa mga residente.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Jomalig sa DSWD at sa mga opisyal na tumulong upang maihatid ang tulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga kinauukulang ahensya upang makakuha ng karagdagang suporta para sa mga residenteng apektado ng El Niño.

Kaugnay na Balita