ORIENTAL MINDORO – Magsagsagawa ng medical and dental mission ang binansagang “Ina ng Mindoro” na si Pola Mayor Jennifer Mindanao Cruz sa iba-ibang lugar sa Oriental Mindoro na magsisimula ngayong buwan ng Oktubre.
Unang isasagawa ang medical and dental mission sa October 24,2026 , araw ng Sabado sa covered court ng Barangay Bagong Buhay 1 sa bayan ng Naujan mula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Dito ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga residente na makapagpakonsulta ng libre sa mga doktor, makapagpa-x-ray, makapagpa-blood test ,mayroon din libreng bunot ng ngipin at may libreng gamot din.
Bahagi ang programa ng mahigpit na pagnanais ni Mayor Cruz na maihatid sa publiko ang kinakailangang serbisyong medikal na hindi na kakailanganin pang magpunta sa bayan.
Masusundan pa ang mga libreng serbisyong medical sa iba-ibang lugar kung saan sa October 25 naman, araw ng Linggo ay dadayo rin ang grupo ng “Ina ng Mindoro” sa Calapan City.