Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 16 Oktubre 2026 16 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-9-1

Oriental Mindoro, nasungkit ang apat na parangal sa DILG Subaybayani Awards 2026

Isa sa mga proyektong itinampok sa naturang pagkilala ang pagtatayo ng gusaling may tatlong silid-aralan sa Sitio Proper, Barangay Panaytayan, Mansalay.

Tinanggap nina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II at Provincial Engineer Edylou B. Tejido ang mga parangal para sa lalawigan.oriental mindoro public information office
I-share

CALAPAN CITY – Nasungkit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang apat na parangal sa SubayBAYANI Awards 2026 ng Department of the Interior and Local Government (DILG), bilang pagkilala sa mga proyektong imprastraktura at dokumentasyon nito.

Kabilang sa mga parangal na natanggap ng lalawigan ang Best Most Significant Change (MSC) Narrative sa Provincial Category, Best Visual Documentation, pagkabilang sa Top 20 Outstanding Performers, at Top 3 Exemplars sa Provincial Category.

Isa sa mga proyektong itinampok sa naturang pagkilala ang pagtatayo ng gusaling may tatlong silid-aralan sa Sitio Proper, Barangay Panaytayan, Mansalay.

Ipinatupad ang proyekto sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund–Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP) at kinilala bilang Best Most Significant Change (MSC).

Taunang pagkilala ng DILG ang SubayBAYANI Awards sa mga sangay ng pamahalaan na nagpapakita ng mahusay na pagpapatupad, integridad at pananagutan sa mga proyektong imprastraktura.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, higit sa mga parangal, mahalaga ang positibong pagbabagong naidudulot ng mga proyektong ito sa buhay ng mga mamamayan.

Tinanggap nina Provincial Administrator Atty. Earl Ligorio R. Turano II at Provincial Engineer Edylou B. Tejido ang mga parangal para sa lalawigan.

Kaugnay na Balita