Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 16 Oktubre 2026 16 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 1-9-1

Mga pamilyang naapektuhan ng engkwentro sa Bulalacao,Oriental Mindoro, sumailalim sa stress debriefing, tumanggap ng ayuda

Namahagi rin ng bigas ang lokal na pamahalaan sa mga miyembro ng bawat pamilyang naapektuhan ng engkwentro.

Ayon sa LGU, mahalagang matiyak hindi lamang ang pisikal na kaligtasan ng mga residente kundi maging ang kanilang emosyonal at mental na kalagayan matapos ang insidente.bulalacao public information office
I-share

BULALACAO, Oriental Mindoro  — Agad na naghatid ng psychosocial support at relief assistance ang lokal na pamahalaan ng Bulalacao sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na engkwentro malapit sa Sitio Bagao.

Nagtulungan ang LGU Bulalacao, Philippine Army at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magsagawa ng stress debriefing at magbigay ng emosyonal na suporta sa mga residenteng nakaranas ng matinding pangamba bunsod ng insidente.

Personal na kinausap ng grupo, na kinabibilangan ni Municipal Administrator Lynette G. Postma at mga kinatawan ng DSWD at Philippine Army, ang mga apektadong pamilya upang alamin ang kanilang kalagayan at tulungan silang maproseso ang kanilang mga naranasan.

Namahagi rin ng bigas ang lokal na pamahalaan sa mga miyembro ng bawat pamilyang naapektuhan ng engkwentro.

Ayon sa LGU, mahalagang matiyak hindi lamang ang pisikal na kaligtasan ng mga residente kundi maging ang kanilang emosyonal at mental na kalagayan matapos ang insidente.

Nagpasalamat din ang lokal na pamahalaan sa mga ahensyang agad na tumugon upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga apektadong mamamayan.

Kaugnay na Balita