Sta. Teresita, Batangas – Sugatan ang isang 78 taong gulang na negosyante nang barilin sa mukha ng isa sa mga suspek na sakay ng motorsiklo nitong Martes ng hapon sa Barangay Sinipian.
Sa inisyal na ulat ng mga otoridad, bandang 5:17 ng hapon, nakaupo ang biktima sa harap ng kaniyang bahay nang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Isa sa mga suspek ang bumaba ng motorsiklo at lumapit sa biktima sabay hablot sa suot na kwintas bago binaril.
Isinugod ang biktima sa Taal Polymedic Hospital bago inilipat sa isang ospital sa Balayan para sa operasyon.
Nagpapatuloy ang follow up operation ng mga otoridad para maaresto ang mga suspek.