Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 31 Oktubre 2026 31 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 3-5-8
MIMAROPA

Mga Brgy. Health Workers, Nutrition Scholars sa Oriental Mindoro, tumanggap ng tablets

Layunin nitong mapabilis at mapadali ang paggawa at pagsusumite ng mga health status report sa kani-kanilang nasasakupan.

31 tablets ang tinanggap ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHW) sa Oriental Mindoro mula kay Gov. Humerlito "Bonz" Dolor.provincial information office, oriental mindoro
I-share

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang serbisyong pangkalusugan sa mga barangay sa pamamagitan ng pamamahagi ng 31 tablets sa mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Health Workers (BHW).

Pinangunahan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor, kasama si Provincial Health Officer II Dr. Cielo Angela A. Ante, ang pamamahagi ng mga gadget noong Oktubre 30.

Layunin nitong mapabilis at mapadali ang paggawa at pagsusumite ng mga health status report sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon kay Dolor, mahalaga ang papel ng mga BNS at BHW sa paglaban sa malnutrisyon, na isa sa mga susunod na pangunahing tututukan ng pamahalaang panlalawigan upang matiyak ang kalusugan ng mga bata at iba pang mamamayan.

Samantala, kinilala rin at ginawaran ng parangal ang mga natatanging Barangay Health Workers mula sa iba’t ibang bayan bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at kontribusyon sa serbisyong pangkalusugan.

Ipinamahagi rin ang mga premyo sa mga nagwagi sa Indak para sa Kalusugan na bahagi ng katatapos na 2026 Health Summit.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na palakasin ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad at bigyang-halaga ang mga frontliner na katuwang sa pangangalaga sa kalusugan ng mga Mindoreño.

Kaugnay na Balita