Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 31 Oktubre 2026 31 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 4-6-6
MIMAROPA

Gov. Gadiano, naghatid ng serbisyo sa liblib na komunidad sa Abra de Ilog

Halos tatlong oras na biyahe sakay ng motorsiklo, na sinundan pa ng paglalakad paakyat sa kabundukan, ang hinarap ng gobernador upang marating ang liblib na komunidad at mailapit sa mga residente ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan, nakapaghatid ng iba’t ibang programa at tulong ang mga tanggapan ng provincial government at mga katuwang na ahensya, kabilang ang PhilHealth, Provincial Social Welfare and Development Office, Office of the Provincial Agriculturist, Philippine Statistics Authority at Provincial Health Office.gov. eduardo gadiano / facebook page
I-share

ABRA DE ILOG, Occidental Mindoro – Hindi naging hadlang ang hirap ng biyahe at layo ng komunidad para personal na puntahan ni Occidental Mindoro Governor Eduardo “Ed” Gadiano ang mga residente ng Sitio Latag, Udalo, Abra de Ilog, sa isinagawang Serbisyo Caravan ng pamahalaang panlalawigan.

Halos tatlong oras na biyahe sakay ng motorsiklo, na sinundan pa ng paglalakad paakyat sa kabundukan, ang hinarap ng gobernador upang marating ang liblib na komunidad at mailapit sa mga residente ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.

Sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan, nakapaghatid ng iba’t ibang programa at tulong ang mga tanggapan ng provincial government at mga katuwang na ahensya, kabilang ang PhilHealth, Provincial Social Welfare and Development Office, Office of the Provincial Agriculturist, Philippine Statistics Authority at Provincial Health Office.

Nakiisa rin sa aktibidad ang 76th Infantry Battalion at 2nd Provincial Mobile Force Company.

Layunin ng programa na matiyak na hindi napag-iiwanan ang mga residenteng naninirahan sa malalayong barangay, partikular ang mga nahihirapang makapunta sa sentro ng bayan upang makakuha ng tulong at serbisyo.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, bahagi ito ng pagsusulong ng administrasyong Gadiano na ilapit ang mga programa ng gobyerno sa mga mamamayan, sa halip na hintayin pa silang bumiyahe nang malayo para makahingi ng tulong.

Patuloy namang isinusulong ng provincial government ang adhikaing walang Mindoreño at Abreño ang maiiwan sa paghahatid ng serbisyo at oportunidad.

Kaugnay na Balita