LAGUNA – Pinarangalan ng Association of Government Accountants of the Philippines (AGAP) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna bilang Outstanding Accounting Office para sa Fiscal Year 2025 sa ilalim ng pamumuno ni Governor Sol Aragones.

Ang pagkilalang ito ay sa kabila ng umano’y paninira at mga kasong kinahaharap ni Aragones, na dati nang inilarawan ng gobernador bilang umano’y bahagi ng political harassment laban sa kanya.
Sa mga nauna niyang pahayag, iginiit ni Aragones na nasa maayos na pamamahala ang lalawigan sa ilalim ng kanyang administrasyon. Aniya, hindi niya hahayaang yurakan ang kanyang dangal at ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga mamamayan ng Laguna.
Nagpasalamat naman si Aragones sa AGAP sa pagkakaloob ng parangal sa pamahalaang panlalawigan.
Pinasalamatan din niya ang mga Lagunense sa patuloy na pagmamahal at suporta sa kanyang pamumuno.