Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 20 Oktubre 2026 20 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-0-7
CALABARZON

EXCLUSIVE : Brgy. Kagawad, kabilang sa mga suspek sa pagpatay kay Chairman Dennis Austria

Ang barangay kagawad ang naging taga-monitor ng galaw ng biktima

Pinaghahanap na ng mgsa otoridad ang barangay kagawad na kasabwat sa pagpatay kay Chairman Dennis Austria.CONTRIBUTED PHOTO
I-share

BATANGAS –   Kabilang ang isang barangay kagawad ng Brgy. Sta. Anastacia sa Sto. Tomas City, Batangas sa lima pang tinutugis ng mga otoridad  sa pagpatay kay Barangay Chairman Dennis Austria.

Unang naaresto ang drayber ng motorsiklo na ginamit sa pagtakas ng  gunman.

Tugma ang sapatos ng naarestong suspek sa suot na sapatos ng drayber ng motorsiklo  base sa kuha ng CCTV sa sinakyan ng mga suspek sa pagtakas matapos na maisagawa ang pagbaril kay Austria noong Oct. 15 sa My Homes Subdivision.

Tukoy na rin ng Special Investigation Task Group Austria ang pagkakakilanlan ng gunman  na 45 taong gulang, isang construction worker t residente ng Centro Lumil sa San Jose, Batangas.

Nakilala na rin ang mga mastermind o utak sa pagpapatay  sa barangay chairman.

Siya ay  ang 35 taong gulang na  negosyanteng may-ari ng isang towing services   na tumakbong barangay kagawad noong 2023 Barangay at Sangguniang Kabatan Elections subalit natalo sa Barangay Sta. Anastacia.

Kasama rin sa utak sa krimen ang tiyo ng naturang negosyante  na taga-Brgy. Makiling sa Calamba City, Laguna.

Kasama rin sa pianghahanap ang isang empeyado ng nasabing towing services na nagmaheho ng puting van na sinakyan ng motorsiklo at mga suspect isang araw bago mangyari ang pagpatay.

Sangkot din sa pagpatay at kasalukuyan ding pinaghahanap ang  isang 44 taong gulang na kasaluyang barangay kagawad ng Barangay Sta. Anastacia.

Sabi ng mga otoridad, ang naturang barangay kagawad ang nagsilbing taga-monitor ng galaw at kinaroroonan ni Austira na inirereport niya agad sa mga suspek para isagawa ang pagpatay.

Nakakuha rin ang mga otoridad ng CCTV footage kung saan makikita ang van na sinakyan ng motorsiklo, ang isa pang kotse at ang motorsiklo sakay ang mga suspek matapos maisagawa ang krimen.

Patuloy na tinutugis pa ang limang suspek habang hawak na ng mga otoridad ang drayber ng getaway motorcycle.

Kaugnay na Balita