BATANGAS – Lima pang mga sangkot sa pagpatay kay Barangay Chairman Dennis Austria ng Barangay Sta. Anastacia sa Sto, Tomas City ,Batangas ang tinutugis ng mga otoridad.
Unang naaresto ang drayber ng motorsiklo na ginamit sa pagtakas ng gunman.
Tugma ang sapatos ng naarestong suspek sa suot na sapatos ng drayber ng motorsiklo base sa kuha ng CCTV sa sinakyan ng mga suspek sa pagtakas matapos na maisagawa ang pagbaril kay Austria noong Oct. 15 sa My Homes Subdivision.
Tukoy na rin ng Special Investigation Task Group Austria ang pagkakakilanlan ng gunman na 45 taong gulang, isang construction worker t residente ng Centro Lumil sa San Jose, Batangas.
Nakilala na rin ang mga mastermind o utak sa pagpapatay sa barangay chairman.
Siya ay ang 35 taong gulang na negosyanteng may-ari ng isang towing services na tumakbong barangay kagawad noong 2023 Barangay at Sangguniang Kabatan Elections subalit natalo sa Barangay Sta. Anastacia.
Kasama rin sa utak sa krimen ang tiyo ng naturang negosyante na taga-Brgy. Makiling sa Calamba City, Laguna.
Kasama rin sa pianghahanap ang isang empeyado ng nasabing towing services na nagmaheho ng puting van na sinakyan ng motorsiklo at mga suspect isang araw bago mangyari ang pagpatay.
Sangkot din sa pagpatay at kasalukuyan ding pinaghahanap ang isang 44 taong gulang na kasaluyang barangay kagawad ng Barangay Sta. Anastacia.
Sabi ng mga otoridad, ang naturang barangay kagawad ang nagsilbing taga-monitor ng galaw at kinaroroonan ni Austira na inirereport niya agad sa mga suspek para isagawa ang pagpatay.
Nakakuha rin ang mga otoridad ng CCTV footage kung saan makikita ang van na sinakyan ng motorsiklo, ang isa pang kotse at ang motorsiklo sakay ang mga suspek matapos maisagawa ang krimen.
Patuloy na tinutugis pa ang limang suspek habang hawak na ng mga otoridad ang drayber ng getaway motorcycle.