Lumaktaw sa nilalaman
Biyernes, 16 Oktubre 2026 16 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-1-7
CALABARZON

Laguna Gov. Sol Aragones, kinilala bilang ” Most Trusted Governor in the Philippines”

Nakatakdang igawad ang parangal sa seremonya sa Pebrero 20, 2027, sa Philippine International Convention Center (PICC).

Sumasalamin ang pagkilalang ito sa mga programang ipinatutupad ng administrasyon ni Aragones sa iba’t ibang bahagi ng Laguna.LAGUNA PIO
I-share

SANTA CRUZ, Laguna  — Bibigyang-parangal si Laguna Governor Sol Aragones bilang “Most Trusted Governor in the Philippines” ng Dangal Lingkod Awards bilang pagkilala sa kaniyang pamumuno at serbisyo publiko.

Nakatakdang igawad ang parangal sa seremonya sa Pebrero 20, 2027, sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ayon sa pahayag, kinikilala sa parangal ang mga programa at inisyatiba ng pamahalaang panlalawigan na nakatuon sa pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan, pagpapalakas ng turismo at oportunidad sa ekonomiya, at pagbibigay-suporta sa mga magsasaka, vegetable growers at mangingisda.

Kabilang din sa mga binigyang-diin ang mga programa para sa kabataan, kababaihan at LGBTQ+ community, gayundin ang mga hakbang para mapalawak ang tulong sa edukasyon at maiangat ang kalagayan ng mga sektor na nangangailangan ng suporta.

Ayon pa sa pahayag, sumasalamin ang pagkilalang ito sa mga programang ipinatutupad ng administrasyon ni Aragones sa iba’t ibang bahagi ng Laguna.

Kilala rin si Aragones sa bansag na “Ina ng Laguna”  na iniuugnay sa kaniyang mga programa para sa kapakanan at pag-unlad ng mga Lagunense.

Kaugnay na Balita