ROSARIO, Batangas- Isang jeep na may lulan na 14 na katao ang tinangay ng tubig habang tumatawid sa spillway sa Panisingan river Barangay Colongan sa Rosario, Batangas nitong Sabado ng hapon.
Sinabi ni Mayor Leovy Morpe na nailiigtas ng mga residente ang 12 sakay nito matapos marinig nila ang paghingi ng saklolo pero nawawala pa rin ang mag-asawa na may-ari ng jeep.
Nangyari umano ang ang insidente pasado alas kwatro ng hapon kung saan galing umano sa bayan ng Taysan ang jeep lulan ang mga trabahador para magharvest ng mga manok sa isang farm.
Pinilit umano ng drayber jeep na itawid ito sa utos ng may-ari kahit na malaki na ang tubig sa ilog.
Sabi ni Mayor Morpe, hindi umano umulan sa Rosario pero lumaki umano ang tubig sa ilog dahil malakas ang ulan sa Lipa City.
Kasalukuyan pa rin ang sinasagawang search and rescue operations ng mga tauhan ng Rosario MDRRMO, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard, Rosario Police at mga kamag-anak ng mga nawawala.