LAGUNA – Kinumpirma ni DILG Calabarzon Regional Director Ariel Iglesias na naisilbi na nitong Lunes ng hapon ang dismissal order ng Ombudsman laban kay Luisiana, Laguna Mayor Jomapher Uy Alvarez dahil sa kasong grave misconduct.
Bukod sa pagkakatanggal sa serbisyo, kabilang din sa mga parusa kay Alvarez ang pagkansela ng kanyang eligibility, pagkawala ng mga benepisyo sa pagreretiro, habambuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno, at pagbabawal na kumuha ng Civil Service Examination.
Awtomatikong papalit kay Alvarez si Vice Mayor Jonieces Acaylar bilang alkalde ng Luisiana.