Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 27 Oktubre 2026 27 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-7-8
CALABARZON

9 na taong gulang na bata, nalunod sa Pansipit river matapos subukan iligtas ang kapatid

Tinangka ng biktima na sagipin ang kaniyang kapatid

Ililigtas sana ng biktima ang kapatid nang siya ay tangayin din ng malakas na agos ng tubig sa Pansipit river.coast guard station batangas
I-share

BATANGAS –  Nalunod ang isang 9 na taong gulang na bata sa Pansipit river sa hangganan ng mga bayan ng Agoncillo at Lemery, Batangas.

Malapit sa Palanas bridge sa Lemery, Batangas natagpuan ang bangkay ng bata.coast guard station batangas

Natagpuan ng mga search and rescue team ng Philippine Coast Guard, MDRRMO at BFP ang bangkay ng biktima malapit sa Palanas Bridge sa baya ng Lemery noong Sabado ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon, tinangka ng biktima na sagipin ang kapatid na lalaki na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog.

Pero habang sinusubukan ng biktima na sagipin ang kapatid ay tinangay din siya ng agos ng tubig hanggang siya ay mawala.

Kaugnay na Balita