Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 18 Oktubre 2026 18 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-9-8
CALABARZON

Bayan ng Alabat sa Quezon, kapos na sa suplay ng tubig dahil sa El Niño

Natuyo na rin  dahil sa El Niño ang ang mga bukal at deep wells na pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Alabat.

Dumating sa Alabat, Quezon ang mga donasyon na intermediate bulk containers o IBC para mapaglagyan ng tubig na irarasyon sa mga apektado ng water shortage.alabat lgu
I-share

ALABAT, Quezon — Pitong buwan nang nakararanas ng kakapusan sa suplay ng tubig ang bayan ng Alabat sa Quezon, na matinding nakaapekto sa mga residente, magsasaka at kabuhayan ng mga gumagawa ng cocosap o katas ng niyog.

Ayon kay Mayor Eizelle Avellano-Canimo sa panayam ng DZMM Teleradyo, nagsimulang humina ang suplay ng tubig noong Marso kaya napilitan ang lokal na pamahalaan na magdeklara ng state of calamity noong Mayo at magrasyon ng tubig sa mga kabahayan.

Ang Alabat ay isa sa tatlong bayan sa Alabat Island sa lalawigan ng Quezon.

“Ang kailangan namin supply ng  tubig ay 13 liters per second, ang nakukuha lang po naman ay 9-10 liters per second,” ani Avellano-Canimo.

Ang mga donasyo na IBC o intermediate bulk containers sa bayan ng Alabat, Quezon na magagamit para pag-imbakan ng tubig.

May mga donasyon nang intermediate bulk containers o IBC  na dumating na gagamitin sa pag-iimbak ng tubig para sa mga emergency.

“Ang inihahanda namin at least 200,000 liters na kaya po sa aming bayan na magamit ng mamamayan na magamit ng 6 hours just in case po na magkaroon ng walang-walang tubig,” dagdag ng alkalde.

Pitong barangay naman ang apektado ng kakulangan sa tubig para sa irigasyon, dahilan para hindi makapagtanim ng palay at iba pang pananim ang mga magsasaka.

“Dapat po ay nakapagtanim na ng mga nakaraan pero dahil nga po walang tubig ang aming irigasyon kaya hindi ngayon makapagtanim, imbes na nag-a-ani wala po,” ani Avellano-Canimo.

Apektado rin ang industriya ng cocosap na pinagkukunan ng kabuhayan ng ilang residente sa isla dahil halos wala nang lumalabas na katas mula sa mga puno ng niyog bunsod ng matinding init.

“Mayroon kami 5.2 tons na order sa Taguig sa BGC hindi namin maipro­vide ng mabilis kasi kaunti lang yung lumalabas na cocosap doon sa niyog dahil sa sobrang init din po,” pahayag ng alkalde.

Dahil dito, nanawagan si Avellano-Canimo sa pamahalaan na matulungan silang makapagtayo ng water desalination plant na magko-convert ng tubig-dagat para maging maiinom na tubig.

“Kami naman po ay may malawak na tubig mula sa Lamon Bay at Pacific Ocean na pwedeng kunan ng water kung sakaling wala na kami talagang pagkunan ng fresh water para po madesalinate namin,” aniya.

Bukod sa desalination plant, humihiling din ang alkalde ng pondo para sa pagtatayo ng mga water impounding facility na maaaring pag-imbakan ng tubig upang maiwasan ang matinding kakapusan tuwing tag-init.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na maipatupad ang mga proyektong ito upang magkaroon ng alternatibong pagkukunan ng tubig ang bayan at mabawasan ang epekto ng tagtuyot sa mga residente at kabuhayan sa Alabat.

Kaugnay na Balita