TAYTAY, Rizal – Labing-anim ang sugatan sa isang malagim na karambola ng mga sasakyan sa Ortigas Avenue Extension sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal ngayong Sabado ng umaga.
Isinugod ng mga rescue team sa iba-ibang pagamutan ang mga biktima.
Sa inisyal na impormasyon mula sa Taytay Public Information Office, bandang 7:00 ng umaga , isang truck na may lulan na mga buhangin ang tumagilid habang binabagtas ang nasabing kalsada.
Apat na sasakyan ang nadamay dito kabilang ang isang pampasaherong jeep, isang traysikel, mini-SUV at isang motorsiklo.
Nagpapatupad muna ng Stop and Go traffic scheme sa lugar para sa mga sasakyan na paakyat sa Antipolo City pero mas makakabuti na iwasan muna dumaan sa nasabing lugar.
Abangan pa ang ibang detalye sa nagbabagang balita na ito!