Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 17 Oktubre 2026 17 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-9-8
MIMAROPA

Occidental Mindoro, nagwagi ng 4 na parangal sa DILG MIMAROPA Subaybayani Awards

Kinilala rin sa naturang awarding ceremony ang mga lokal na pamahalaan ng Looc, Lubang, Mamburao, Sablayan, at Magsaysay para sa kanilang natatanging pagsisikap na isulong ang mahusay na pamamahala.

Kabilang sa mga parangal na natanggap ng Occidental Mindoro ang Outstanding Provincial LGU Performer, Best Local Project Monitoring Committee, 2026 SubayBAYAN  Performance Award, at B.E.A.C.O.N. Regional Exemplars.PIO OCCIDENTAL MINDORO
I-share

QUEZON CITY – Nasungkit  ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro ang apat na parangal sa B.E.A.C.O.N. 2026 DILG MIMAROPA Regional SubayBAYANI Awards na ginanap noong Oktubre 15 sa Madison 101 Hotel sa Quezon City.

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Eduardo “Ed” Gadiano, kinilala ang lalawigan dahil sa kahusayan sa pamamahala, pagsubaybay sa mga proyekto, transparency, at pananagutan sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.

Kabilang sa mga parangal na natanggap ng Occidental Mindoro ang Outstanding Provincial LGU Performer, Best Local Project Monitoring Committee, 2026 SubayBAYAN  Performance Award, at B.E.A.C.O.N. Regional Exemplars.

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Eduardo “Ed” Gadiano, kinilala ang lalawigan dahil sa kahusayan sa pamamahala, pagsubaybay sa mga proyekto, transparency, at pananagutan sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, naging mahalaga sa tagumpay ang pagtutulungan ng DILG Occidental Mindoro, Provincial Engineering Office, at Provincial Planning and Development Office upang matiyak ang maayos na pagpapatupad at epektibong pagsubaybay sa mga proyektong pang-imprastraktura at iba pang programa.

Si Gov. Eduardo Gadiano kasama ang iba pang mga opisyal sa Occidental Mindoro sa pagtanggap ng parangal.

Kinilala rin sa naturang awarding ceremony ang mga lokal na pamahalaan ng Looc, Lubang, Mamburao, Sablayan, at Magsaysay para sa kanilang natatanging pagsisikap na isulong ang mahusay na pamamahala.

 

Si Occidental Mindoro Gov. Eduardo Gadiano.

Patuloy namang isinusulong ng administrasyong Gadiano ang mga programang naglalayong matiyak na maayos na naipatutupad ang mga proyekto at direktang napakikinabangan ng mga mamamayan ng Occidental Mindoro.

Kaugnay na Balita