SANTA CRUZ, Laguna — Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa posibleng epekto ng inaasahang ‘Super El Niño.’
Pinulong ni Governor Sol Aragones ang mga pinuno at kinatawan ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) offices mula sa lahat ng bayan at lungsod sa lalawigan upang pagtibayin ang mga plano at hakbang laban sa posibleng epekto ng matinding tagtuyot.
Tinalakay sa pulong ang kahandaan ng bawat lokal na pamahalaan at ang koordinasyon sa pamahalaang panlalawigan, kabilang ang paghahanda ng serbisyong medikal at relief assistance para sa mga residenteng posibleng mangailangan ng tulong sa oras ng emergency.

Ayon kay Aragones, kayang malampasan ang epekto ng ‘Super El Niño’ kung magiging handa at magkakaugnay ang pagkilos ng bawat lokal na pamahalaan.
Patuloy ang koordinasyon ng pamahalaang panlalawigan at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kahandaan ng Laguna sa mga posibleng panganib na dulot ng El Niño.