Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 25 Oktubre 2026 25 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 2-0-5
MIMAROPA

Barangay sa Sablayan, Occidental Mindoro may 44 solar street lights mula kay Gov. Gadiano

Pinondohan ang proyekto ng ₱1 milyon mula sa pamahalaang panlalawigan at ₱250,000 na counterpart fund mula sa barangay.

Inaasahang makatutulong ang 44 na solar street lights sa pagpapaliwanag ng mga kalsada at pampublikong lugar sa barangay upang mapalakas ang seguridad at kaligtasan ng mga residente, lalo na sa gabi.gov. eduardo gadiano
I-share

OCCIDENTAL MINDORO – Pinagkalooban ni Occidental Mindoro Governor Eduardo “Ed” Gadiano ang 44 na solar street lights ang  Barangay San Francisco sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Pinondohan ang proyekto ng ₱1 milyon mula sa pamahalaang panlalawigan at ₱250,000 na counterpart fund mula sa barangay.

Ipinatupad ang proyekto sa ilalim ng Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) sa pamamagitan ng programang MBAO ng pamahalaang panlalawigan.

Dumalo sa inagurasyon at turnover ceremony si Barangay Captain Janette A. Sarzate, kasama si BSPMC Leny M. Nening, mga opisyal ng barangay at iba pang kinatawan ng lokal na pamahalaan.

Inaasahang makatutulong ang 44 na solar street lights sa pagpapaliwanag ng mga kalsada at pampublikong lugar sa barangay upang mapalakas ang seguridad at kaligtasan ng mga residente, lalo na sa gabi.

Patuloy namang isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Occidental Mindoro ang mga proyektong naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga barangay at tugunan ang pangangailangan ng mga komunidad tungo sa mas ligtas at maayos na pamayanan.

Kaugnay na Balita