OCCIDENTAL MINDORO – Kapiling na muli ng kaniyang pamilya sa Mamburao, Occidental Mindoro ang isang mangingisda na nasagip ng barko ng Philippine Navy na siyam na araw na nawala sa karagatan.
Biyernes ng bandang 5:32 ng hapon, nang mamataan at masagip ng BRP Ramon Alcaraz ng Naval Command West ng Philippine Navy ang 31 taong gulang na mangingisda na si Joshua Matugas na taga- Sitio Aroma sa Barangay Tayamaan sa Mamburao. Occidental Mindoro.

Nagsasagawa ng Maritime Patrol Mission p MARPAT ang BRP Ramon Alcaraz ng mamataan si Matugas sakay ng isang maliiit na bangkang pangisda habang kumakaway ng tulong sa may bahagi ng Cape Calavite sa Occiental Mindoro.
Nabatid na noon pang October 14,2026 nawawala ang mangingisda matapos na masiraan ng makina ang maliit na bangka kung saan ay naging problema din ang maiinom na tubig.

Agad na binigyan ng medical attention ng mga taga Philippine Navy ang nasagio na mangingisda kabilang ang oral rehydration.
Dinala ang mangingisda at ang bangka nito sa Olangapo City para sa ibigay sa pangangalaga ng Philippine Coast Guard.
Nitong Linggo, inihayag ni Mamburao Mayor E-K Almero na nakauwi na si Matugas at muling nakapiling ang pamilyang labis na nag-aalala.

Binigyan siya ng lokal na pamahalaan ng financial assistance, food packs at family kit.
Iniutos din ni Mayor Almero na biygan si Matugas ng check up, physical at psychosocial intervention.
Papalitan din ni Mayor Almero ng bagong makina ang bangka.

Sa kabila naman ng nangyari, inihayag ni Matugas na handa muli siyang pumalaot sa dagat para sa kaniyang pamilya.