Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 25 Oktubre 2026 25 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 2-0-5
MIMAROPA

Higit 100 naging benepisyaryo sa medical & dental mission ni Mayor Jennifer Cruz sa Brgy. Sto. Niño,Calapan City

450 ang kabuuan na naging benepisyaro ng medical mission ni Pola Mayor Jennifer "Ina Alegre" Cruz sa mga bayan ng Naujan at Calapan City sa Oriental Mindoro

Halos 50 ang nakinabang sa libreng bunot ng ngipin na handog ni Pola Mayor Jennifer "Ina Alegre" Cruz sa Barangay Sto. Niño, Calapan City, Oriental Mindoro sa tulong ni Dr. Dianna Datu- Retusto
I-share
CALAPAN CIY, Oriental Mindoro – Higit 100 residente ng Barangay Sto. Niño sa Calapan City, Oriental Mindoro ang naging benepisyaryo sa ikalawang araw ng Alagang Ina, Alagang Pamilya Medical mission  na handog ni Pola Mayor Jennifer “Ina Alegre” Mindanao -Cruz.
Ayon kay Mayor Cruz, patuloy niyang inilalapit ang libreng serbisyong medikal sa mga residente ng Oriental Mindoro lalo’t higit sa mga nasa malalayong lugar .
Dumagsa ang mga residente ng Barangay Sto. Niño, Calapan City, Oriental Mindoro
Kaagapay ni Mayor Cruz sa programa ang “LAB for All”  bus na handog ni First Lady Liza Marcos para sa pag-iikot sa mga liblib na barangay.
Sa Barangay Sto. Niñ0, Calapan City halos 50 pasyente ang naging benepisyaryo ng libreng bunot ng ngipin na pinanguhan ni Dr. Dianna Datu – Retusto.
Ayon kay Cruz, siya lamang ang pinagkalooban ng LAB for All bus sa buong Oriental Mindoro kaya nais niyang gamitin ito upang maihatid ang libreng serbisyong medikal sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Tuloy-tuloy ang medical mission ni Mayor Jennifer Cruz sa Oriental Mindoro

 

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob nang walang bayad ang general consultation, basic laboratory services gaya ng X-ray, libreng gamot at dental services .
Matapos ang isinagawang medical mission sa Naujan at Calapan City, nakatakdang puntahan sa Nobyembre ang mga bayan ng Bongabong at Roxas.
Sa pamamagitan ng programang ito, layuning mabawasan ang gastusin at hirap sa pagbiyahe ng mga residente upang makakuha ng pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Sunod na gagawin ang medical & dental mission sa Bongabong at Roxas sa Oriental Mindoro
Noong Sabado, nagsagawa rin ng medical mission sa Barangay Bagong Buhay sa Naujan kung saan nasa 240 ang naging benepisyaro.

Kaugnay na Balita