Lumaktaw sa nilalaman
Sabado, 7 Nobyembre 2026 7 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 2-4-1
CALABARZON

Banta ng pag-atake sa eskwelahan sa Lipa City, natuklasan na mula sa estudyante

Ayon kay Buaquen, hindi umano nais ng estudyante na mag-exam kaya nagbanta itong magkakaroon ng pag-atake.

Hindi inaresto ang estudyante, ngunit tiniyak ni Buaquen na sasampahan ito ng kaukulang kaso kaugnay ng pagbabanta, alarm and scandal at cybercrime.lipa city police
I-share

LIPA City, Batangas – Natukoy ng mga imbestigador ang isang 18-anyos na estudyante na pinagmulan ng banta ng pag-atake sa isang paaralan sa Lipa City, Batangas na ipinost sa social media.

Ayon kay Lipa City Police Chief PLtCol. Aleli Buaquen, kinumpiska ng mga pulis, katuwang ang Regional Anti-Cybercrime Unit 4A at Batangas Provincial Cybercrime Response Team, ang cellphone ng estudyante sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD).

Dito nakumpirma na nagmula sa cellphone ng estudyante, residente ng Barangay Kayumanggi, ang online threat tungkol sa posibleng mass shooting sa isang kolehiyo sa Lipa City noong Setyembre.

Ayon kay Buaquen, hindi umano nais ng estudyante na mag-exam kaya nagbanta itong magkakaroon ng pag-atake.

“Tuwing exam kasi inuulan kami ng ganiyang mga threats kaya sinasampolan namin yan,” ani Buaquen.

“Dapat talaga hindi itolerante ang mga iyan, mga ayaw magsipagpasok,” dagdag pa niya.

Hindi inaresto ang estudyante, ngunit tiniyak ni Buaquen na sasampahan ito ng kaukulang kaso kaugnay ng pagbabanta, alarm and scandal at cybercrime.

Kaugnay na Balita