Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 10 Nobyembre 2026 10 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-3-4
MIMAROPA

Babaeng estudyante, natagpuang patay sa bakanteng lote sa Calapan City, kilala na

ang biktima ay 20 anyos na estudyante at taga-Bongabong, Oriental Mindoro,

Wala pang natutukoy na suspek sa krimen.PRO MIMAROPA PNP
I-share

Calapan City, Oriental Mindoro –  Isang bangkay ng babaeng estudyante ang natagpuan sa madamong bakanteng lote sa gilid ng barangay road ng Barangay Sapul sa Calapan City, Oriental Mindoro nitong Sabado ng  1:15 ng madaling araw.

Sa inisyal na report mula kay PLTCol. Michael Caraggayan, hepe ng Calapan City Police, nakilala na nila ang biktima na isang 20 anyos na estudyante at residente ng Barangay Labunan sa bayan ng Bongabong, Oriental Mindoro.

Naipagbigay alam na din sa pamilya ang insidente.

Tumanggi muna ang Calapan City Police na magbigay ng karagdagang detalye habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon pero kinumpirma nila na may mga sugat ang biktima.

Wala pa rin natutukoy na suspek sa krimen.

Kaugnay na Balita