Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 4 Nobyembre 2026 4 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 4-1-6
BREAKING CALABARZON

7 estudyante ng University of Batangas, na-trap sa elevator ng 3 oras

Tatlong oras na natrap ang mga estudyante sa elevator.

Tumaga ng tatlong oras bago nasagip ang pitong estudyante ng University of Batangas na natrap sa elevatorBFP Batangas City
I-share

BATANGAS CITY –  Nasagip ng mga rescue team mula sa Bureau of Fire Protection ng Batangas City ang mga estudyante na natrap sa elevator ng University of Batangas- Main Campus sa Hilltop , Barangay  Kumintang Ibaba.

Hindi nagbigay ng iba pang detalye ang BFP Batangas City ngunti sa ulat ng university publication na The Westernian Advocate  na pitong  estudyante ang natrap sa loob ng elevator ng Western Hall noong Martes.

Tatlong oras umano na natrap ang mga estudyante mula alas-4:00 ng hapon hanggang masagip ng mga rescue team  mula sa Bureau of Fire Protection, City Disaster Risk Reduction and Management Office at Philippine Red Cross bandang 7:00 pm

Sinasabing nag-malfunction umano ang elevator.

Ligtas naman ang lahat ng estudyante.

Wala  pang pahayag ang University of Batangas.

 

 

 

Kaugnay na Balita