Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 3 Nobyembre 2026 3 Nob 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 4-1-6
MIMAROPA

Sektor ng agrikultura sa Occidental Mindoro, pinapalakas ni Gov. Gadiano

Kinilala rin ni Occidental Mindoro Governor Eduardo “Ed” Gadiano ang pagsisikap at dedikasyon ng mga magsasakang lumahok sa programa.

Si Gov Eduardo Gadiano sa Farmers Field School on Vegetable Production graduation ceremony sa Sitio Marsumbol, Calintaan, Occidental Mindoro.gov. eduardo gadiano / facebook page
I-share

OCCIDENTAL MNDORO – Pinalalakas ng pamahalaang panlalawigan ng Occidental Mindoro ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa mga lokal na magsasaka.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng Farmers Field School on Vegetable Production na nagtapos sa isang graduation ceremony sa Sitio Marsumbol, Calintaan, Occidental Mindoro.

Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office sa ilalim ni Municipal Agriculturist Ronie B. Pasion ang pagsasanay na naglalayong turuan ang mga magsasaka ng mas maayos at makabagong pamamaraan ng pagtatanim at produksyon ng gulay.

Nagpaabot naman ng suporta sa mga nagsipagtapos sina Calintaan Mayor Atty. Eric C. Labrador, Barangay Captain Jarwin W. Briones, Gerry V. Chavez ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Bayan, at Provincial Agriculturist Engr. Alrizza C. Zubiri.

Kinilala rin ni Occidental Mindoro Governor Eduardo “Ed” Gadiano ang pagsisikap at dedikasyon ng mga magsasakang lumahok sa programa.

Bahagi ito ng patuloy na mga hakbang ng pamahalaang panlalawigan at mga lokal na pamahalaan upang mapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka, mapahusay ang produksyon, at mabigyan sila ng mas maraming oportunidad para mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Namahagi rin ng mga Certificate of Completion, Certificate of Participation, at special awards sa mga nagsipagtapos bilang pagkilala sa kanilang pakikilahok at pagsisikap.

Kaugnay na Balita