Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 26 Oktubre 2026 26 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-1-6
MIMAROPA

6 na Marine Protected Areas sa Oriental Mindoro, binigyang pagkilala

Ang anim na marine protected areas ay pawang nagkamit ng pagkilala sa Search for Outstanding Locally Managed Marine Protected Areas in the Philippines o Para El Mar Awards.

Kabilang sa binigyang pagkilala ang St. John the Baptist Fish Sanctuary sa bayan ng Pola, Oriental Mindoroprovincial information office, oriental mindoro
I-share

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro –  Anim na marine protected areas (MPAs) sa Oriental Mindoro ang ginawaran ng espesyal na pagkilala sa 2026 Star MPA Awards dahil sa mahigit isang dekada nilang pagpapatupad ng mga programa para sa pangangalaga at konserbasyon ng yamang-dagat.

Kinilala ang mga ito dahil sa maayos na pamamahala, mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya at patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang karagatan.

Kabilang sa mga pinarangalan ang Agsalin Fish Sanctuary sa Gloria, na naging kampeon sa kategoryang Locally Managed Marine Protected Area noong 2017 Para El Mar Awards.

Kinilala rin ang Silonay Mangrove Conservation Ecopark sa Calapan City bilang first placer sa Best Mangrove category noong 2019.

Kasama rin sa listahan ang Maasin Fish Sanctuary, na nagkamit ng ikaanim na puwesto sa Best Locally Managed MPA noong 2023; St. John the Baptist Fish Sanctuary sa Pola, na naging finalist noong 2021; at Punta Ilag Fish Sanctuary sa San Teodoro, na naging finalist at tumanggap ng Law Enforcement Citation Award noong 2025.

Samantala, kinilala rin ang Ranzo Fish Sanctuary sa Pinamalayan bilang kampeon sa kategoryang Outstanding Locally Managed Marine Protected Area noong 2025.

Ang anim na marine protected areas ay pawang nagkamit ng pagkilala sa Search for Outstanding Locally Managed Marine Protected Areas in the Philippines o Para El Mar Awards.

Bukod sa sertipiko ng espesyal na pagkilala, bawat isa sa mga pinarangalan ay tumanggap din ng insentibong nagkakahalaga ng ₱70,000.

Layunin ng pagkilalang ito na bigyang-halaga ang mga lokal na hakbang sa pagprotekta sa yamang-dagat at palakasin ang patuloy na pangangalaga sa mga marine protected areas sa Oriental Mindoro.

Kaugnay na Balita