LIPA City, Batangas – Arestado na ng mga otoridad ang suspek sa brutal na pagpatay sa 20 anyos na architecture student ng National University na si Jazmine Iya Martinez.
Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng TBST News, naaresto ng Lipa City Police ang suspek na isang construction worker nitong Linggo.
Hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye ang Lipa City Police.
October 14,2026 nang pagsasaksakin ng isa umanong lalaki na sakay ng motorsiklo habang naglalakad ang biktima bandang 7:30 ng gabi pauwi sa kanilang bahay mula sa eskwelahan sa Brgy. Duhatan.
Limang saksak ang tinamo ng biktima.