Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 19 Oktubre 2026 19 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-2-6
BREAKING CALABARZON

Municipal treasurer ng Sta. Maria, Laguna, sinuspinde ng Ombudsman; kaso sa mayor, ibinasura

Kabilang sa mga ibinintang sa dalawa ang grave misconduct, gross neglect of duty at serious dishonesty.

Isang buwan at isang araw, nang walang sahod, si Santa Maria, Laguna Municipal Treasurer Ma. Theresa LontokTBST News
I-share

SANTA MARIA, Laguna — Sinuspinde ng Office of the Ombudsman nang isang buwan at isang araw, nang walang sahod, si Santa Maria, Laguna Municipal Treasurer Ma. Theresa Lontok dahil sa umano’y pagkukulang sa pagtiyak ng seguridad ng mga ballot box mula sa 2022 elections.

Nag-ugat ang kasong administratibo sa reklamong inihain noong Marso 4, 2025 ni Laguna 4th District Rep. Maria Jamina Agarao laban kina Lontok at Santa Maria Mayor Ma. Rocelle Valdecantos Carolino.

Kabilang sa mga ibinintang sa dalawa ang grave misconduct, gross neglect of duty at serious dishonesty.

Inakusahan din ni Agarao ang dalawang opisyal na umano’y nagsabwatan upang pakialaman ang mga balota.

Gayunman, ibinasura ng Ombudsman ang lahat ng kasong administratibo laban kay Carolino dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

 

Kaugnay na Balita