Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 19 Oktubre 2026 19 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-2-6
CALABARZON

1 arestado sa bigong bank robbery sa Rosario, Batangas

Agad na rumesponde ang quick response team ng Rosario Municipal Police Station at nadatnan ang suspek na nakapasok na sa loob ng bangko.

Tubong Pinamalayan, Oriental Mindoro ang 30 anyos na suspek na walang trabaho.BATANGAS PNP PIO
I-share

ROSARIO, Batangas — Arestado ang isang 30-anyos na lalaki matapos umanong tangkaing pasukin at pagnakawan ang sangay ng Philippine National Bank (PNB) sa Barangay Poblacion C, Rosario, Batangas, ayon sa pulisya.

Ayon sa Batangas Police Provincial Office, dakong alas-5:15 ng hapon nitong Sabado nang makatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang lalaki na pilit binubuksan ang glass door ng bangko.

Agad na rumesponde ang quick response team ng Rosario Municipal Police Station at nadatnan ang suspek na nakapasok na sa loob ng bangko.

Kaagad na inaresto ang lalaki na armado ng baril.

Nasamsam mula sa suspek ang isang kalibre .45 na pistola at mga bala.

Nasamsam sa suspek ang isang caliber 45 pistol at mga bala.BATANGAS PNP PIO

Nahaharap ang suspek sa kasong attempted robbery at paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Kaugnay na Balita