Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 19 Oktubre 2026 19 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-9-8
CALABARZON

4 arestado sa sinalakay na drug den sa Calamba City

Nasamsam ng mga otoridad sa mga suspek ang pitong gramo ng hinihinalang shabu na tinatatang nasa Php 48,000 ang halaga at mga drug  paraphernalia.

Apat ang arestado sa drug den sa Calamba City, Lagunaphilippine drug enforcement agency - LAGUNA
I-share

CALAMBA CITY, Laguna – Apat ang arestado ng salakayin ng mga otoridad ang isang hinihinalang drug den sa  Tibag Road sa Barangay Poblacion 2, Calamba City, Laguna noong Sabado.

Magkakasamang sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency  o PDEA Laguna at Regional Intelligence Unit 4A ng CALABARZON PNP ang nasabing drug den na nagresulta sa pagkakaaresto ng 2 traysikel drayber, construction worker at isang  alternative learning system ( ALS) student.

Nasamsam ng mga otoridad sa mga suspek ang pitong gramo ng hinihinalang shabu na tinatatang nasa Php 48,000 ang halaga at mga drug  paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 91654 o  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay na Balita