BATANGAS – Muling naitala ang mahinang pagputok sa Bulkan Taal nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, dalawang minor phreatic eruption ang naitala sa main crater ng Bulkan Taal.
Una ay bandang 7:31 ng gabi at nasundan ng 7: 36 ng gabi na lumikha ng nasa 300 metrong taas ng usok.
Nananatili naman sa Alert level 1 ang Bulkan Taal at mahigpit pa rin ipinagbabawal ang pagtungo o pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa main crater nito at sa Daang Kastila fissures gayundin ang pamamalagi sa Taal Lake.