Lumaktaw sa nilalaman
Lunes, 19 Oktubre 2026 19 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-2-6
CALABARZON

Grade 7 student sugatan matapos saksakin ng kapwa 12 anyos na estudyante sa loob ng eskwelahan sa San Pablo City

Nagtamo ang biktima ng mababaw na sugat sa leeg, batok at pisngi pero nasa maayos ng kondisyon.

I-share

SAN PABLO CITY, Laguna – Sugatan ang isang 12 anyos na estudyante matapos saksakin ng kapwa grade 7 sa loob ng eskwelahan sa Barangay San Jose nitong Lunes ng tanghali.

Ayon sa report ng San Pablo City Police, lunch break nang mangyari ang insidente sa San Pablo Science High Shool.

Puno’t dulo umano ng insidente ang asaran kaya kumuha sa kaniyang bulsa ng peeler knife ang 12 anyos na estudyante at sinaksak ang  biktima.

Nagtamo ang biktima ng mababaw na sugat sa leeg, batok at pisngi pero nasa maayos ng kondisyon.

Nakaresponde naman kaagad ang mga pulis na nagkataon na malapit sa lugar.

Pagdating ng mga pulis, itinurn over na ng mga guro ang bata sa kanila.

Dinala naman sa pangangalaga ng City Social Welfare Office ang estudyante na itinuturing ngayon na chiled in conflict with law o CICL.

Iniimbestigahan naman kung papaano naipasok sa eskwelahan ang patalim.

 

Kaugnay na Balita