TALISAY, Batangas – Pumutok ang Bulkan Taal sa Batangas bandang 6:06 ng gabi, Huwebes, October, 7,2026.
Ayon sa PHIVOLCS, phreatomagmatic eruption ang naganap sa main crater ng Bulkan Taal na tumagal lamang ng 5 minuto.
Lumikha ito ng dark gray na usok na may taas na 4,000 metro mula sa crater.
Inaasahan ang maninipis na ashfall sa southwestern area ng lawa ng Taal kasama ang Agoncillo, Lemery, San Nicolas, Taal, Batangas at mga kalapit na lugar.
Nananatili naman sa Alert level 1 ang Bulkan Taal.