Camp Crame, Quezon City — Nakilala na ang 50 pang biktima ng malagim na sunog sa MV June Aster sa Coron, Palawan noong September 9 matapos makumpleto ng PNP ang malaking bahagi ng proseso ng pagkilala sa mga labi.
Ayon kay PNP-Forensic Group Director PBGen. Pierre Paul Carpio, 21 labi na lamang ang sumasailalim sa cross-matching para matukoy ang kanilang pagkakakilanlan.
Isinagawa ng PNP ang Disaster Victim Identification (DVI) para tiyaking tama ang pagkakakilanlan ng mga nasawi bago ipaalam sa kanilang mga pamilya.
Matapos ang forensic process, ipinauubaya na sa lokal na pamahalaan ang mga resulta upang personal na maipabatid sa mga kaanak ang pagkakakilanlan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Patuloy ang proseso para tuluyang makilala ang lahat ng biktima ng nakamamatay na sunog sa MV June Aster.
Pansamantalang nakalibing ang mga nasawi sa trahedya sa San Nicolas Public Cemetery sa Coron, Palawan.