Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 29 Oktubre 2026 29 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 0-5-1
MIMAROPA

1,000 Charitimba mula sa PCSO tinanggap ni Occ. Mindoro Rep. Tarriela

Malaking tulong ang Charitimba ng PCSO para sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Handog ng PCSO ang 1,000 charitimba para sa mga taga-Occidental Mindoro sa pamamagitan ni Cong. Odie TarrielaREP. LEODY "ODIE" TARRIELA
I-share

MANILA –  Personal na tinanggap ni Occidental Mindoro Rep. Odie Tarriela ang 1,000 Charitimba mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ipamamahagi sa mga nangangailangang mamamayan, partikular sa mga pamilyang nasalanta ng kalamidad.

Layunin ng tulong na maipaabot ang suporta sa mga kababayang nangangailangan, lalo na sa mga komunidad na apektado ng mga sakuna.

Nagpasalamat si Tarriela kina PCSO General Manager Melquiades “Mel” A. Robles at PCSO Chairman Judge Felix Reyes sa tulong na inilaan para sa mga residente ng Occidental Mindoro.

Inaasahang mapakikinabangan ng mga benepisyaryo ang mga Charitimba bilang dagdag na suporta sa pagharap sa kanilang mga pangangailangan, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Kaugnay na Balita