Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 6 Oktubre 2026 6 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 3-7-2
National

106 lugar sa bansa nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño

Pinakamarami ang nasa Cagayan Valley na may 66 lugar, sinundan ng Caraga na may 23. May lima sa Bicol, apat sa CALABARZON, at isa sa SOCCSKSARGEN.

Pumalo na sa ₱5.5 bilyon ang halaga ng pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura,TBST News file photo
I-share

MANILA — Umabot na sa 106 lugar sa bansa ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño, habang pumalo na sa ₱5.5 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pinakamarami ang nasa Cagayan Valley na may 66 lugar, sinundan ng Caraga na may 23. May lima sa Bicol, apat sa CALABARZON, at isa sa SOCCSKSARGEN.

Sa ilalim ng state of calamity, maaaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan ang emergency funds para sa ayuda at iba pang pangangailangan ng mga apektadong residente. Maaari rin silang magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Tinatayang 388,000 katao na ang naapektuhan ng El Niño. Nakapagtala rin ng 39 forest fire sa Caraga at pagkaantala sa suplay ng tubig sa hindi bababa sa apat na lugar.

Aabot naman sa ₱39 milyon ang tulong na naipamahagi na ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad.

Ang El Niño ay isang natural na weather phenomenon na karaniwang nangyayari kada dalawa hanggang pitong taon dahil sa pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat. Nakaaapekto ito sa hangin, pressure at pattern ng pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ayon sa mga global forecaster, inaasahang magiging matindi ang El Niño ngayong taon, na maaaring higit pang magpalala sa epekto ng climate change at iba pang extreme weather events.

Kaugnay na Balita