Lumaktaw sa nilalaman
Huwebes, 1 Oktubre 2026 1 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 4-2-9
Larawan at Video

PDLs sa Camalig District Jail, abala na sa paggawa ng mga Christmas lantern

Abalang-abala na ang mga persons deprived of liberty o PDLs sa Camalig District Jail sa Albay sa paggawa ng mga parol.

Abalang-abala na ang mga persons deprived of liberty o PDLs sa Camalig District Jail sa Albay sa paggawa ng mga parol.Courtesy of Joefrie Barbacena Anglo/BJMP Bicol
I-share

 

ALBAY — Dahil “ber months” na, abala na ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Camalig District Jail sa paggawa ng mga handcrafted Christmas lantern o parol.

Sa loob mismo ng jail facility ginagawa ng mga PDL ang mga parol bilang bahagi ng comprehensive welfare and development initiative ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Bukod sa pagiging malikhaing gawain, layunin ng proyekto na mabigyan ang mga PDL ng pagkakataong kumita ng sariling kita habang nasa loob ng piitan, kasabay ng paglinang sa kanilang mga teknikal na kasanayan.

Umaasa ang BJMP na makatutulong ang ganitong mga programa sa paghahanda ng mga PDL sa kanilang pagbabalik sa komunidad at muling pagbuo ng kanilang buhay matapos ang kanilang pagkakakulong.

Sa paglapit ng Kapaskuhan, unti-unti namang nagbibigay-liwanag ang mga makukulay na parol na likha ng mga PDL sa loob ng Camalig District Jail.

 

Kaugnay na Balita