ROSARIO, Batangas – Natagpuan na ngayong Lunes ng umaga ang bangkay ng lalaki na may-ari ng jeep na inanod ng baha sa spillway sa Paninsingin river sa Barangay Colongan noong Sabado ng hapon.
Nakita ng mga miyembro ng search and rescue team ang bangkay ng 44 taong gulang na biktima hindi kalayuan kung saan unang nakita noong Linggo ng umaga ang bangkay ng kaniyang 40 taong gulang na asawa.
Galing sa Taysan, Batangas ang jeep lulan ang 14 na katao para magtungo sa isang poultry farm para kumuuha ng mga manok ng maanod ng rumaragasang baha sa spillway habang tumatawid ito.
Unang nailigtas ng mga rumespondeng residente ang 12 na sakay kabilang ang drayber.
KAUGNAY NA BALITA:
KAUGNAY NA BALITA: