Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 4 Oktubre 2026 4 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-9-6
BREAKING

Isa sa mga nawawala sa jeep na nahulog sa ilog sa Rosario,Batangas, natagpuan na

Hinahanap pa rin ang kaniyang mister.

Natagpuan na ang bangkay ng 40 anyos na babae habang nawawala pa rin ang kaniyang asawa.ABS CBN News
I-share

Rosario,Batangas –  Natagpuan na ng search and rescue teams ang bangkay ng 40 taong gulang na babae na nawawala matapos tangayin ng rumaragasang tubig ng Panisingan river ang sinasakyan nilang jeep matapos subukang tumawid sa spillway sa Barangay Colongan noong Sabado ng hapon.

Pasado alas-9:00 ng umaga ngayong Linggo ng matagpuan ang katawan ng biktima.

Hinahanap pa rin ang kaniyang 44 na taong gulang na asawa.

Ang mag-asawa ang may-ari ng jeep na may  kabuuang lulan na 14 na katao na mula sa Taysan,Batangas at patungo sana sa isang poultry farm para magharvest ng mga manok.

Una nang nailigtas ng mga residente ang 12 iba pa.

Kaugnay na Balita