Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 6 Oktubre 2026 6 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 0-6-4
BREAKING

Sandiganbayan,nagpasok ng “not guilty plea” para kay ex-Bauan Mayor Ryanh Dolor sa kasong graft

Sentro ng kaso ang pribatisasyon ng BWS sa Aquadata Inc. mula 2008 hanggang 2013.

Personal na humarap si ex- Bauan Mayor Ryanh Dolor sa arraignment nitong Martes sa Sandiganbayan Seventh Division, kung saan binasa ng clerk of court ang sakdal laban sa dating alkalde. Nang hindi siya magpasok ng plea, korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kaniya.TBST News file photo
I-share

MANILA — Not guilty plea ang ipinasok ng Sandiganbayan para kay dating Bauan, Batangas Mayor Ryanh  Dolor matapos siyang tumangging magbigay ng sariling plea sa kasong graft na may kaugnayan sa umano’y dehadong pribatisasyon ng Bauan Waterworks System o BWS.

Personal na humarap si Dolor sa arraignment nitong Martes sa Sandiganbayan Seventh Division, kung saan binasa ng clerk of court ang sakdal laban sa dating alkalde. Nang hindi siya magpasok ng plea, korte na ang nagpasok ng not guilty plea para sa kaniya.

Sentro ng kaso ang pribatisasyon ng BWS sa Aquadata Inc. mula 2008 hanggang 2013.

Ayon sa mga prosecutor, “grossly disadvantageous” o lubhang dehado umano sa munisipyo ang naging kasunduan dahil 5 porsiyento lamang ng revenues ang napunta sa Bauan habang 95 porsiyento ang napunta sa Aquadata.

Iginiit din ng prosekusyon na dahil sa naturang kasunduan, hindi bababa sa P6 milyon umano ang nalugi sa munisipyo habang P86 milyon naman ang kinita ng Aquadata.

Alegasyon pa ng prosekusyon, pinayagan umano ni Dolor na magpatuloy ang naturang arrangement kahit kinikilala umanong dehado ito sa lokal na pamahalaan at kulang sa sapat na feasibility studies. Ang mga ito ay mga alegasyon ng prosekusyon na kailangan pang patunayan sa paglilitis. (Cheezmis)

Hindi ito ang unang pagkakataong nasangkot si Dolor sa usapin ng BWS privatization.

Noong Marso 2025, ipinadetine siya ng House Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Abang Lingkod Rep. Stephen Paduano dahil sa umano’y hindi pagdalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng kontrobersiya. Nakalaya siya noong Hunyo 2025 matapos alisin ang contempt order laban sa kaniya. (Cheezmis)

Nauna ring nagsagawa ng congressional inquiry sa umano’y mga iregularidad sa pribatisasyon ng BWS at iba pang transaksyon ng lokal na pamahalaan ng Bauan.

Sa pagpasok ng not guilty plea, haharap ngayon sa paglilitis sa graft case  si Dolor kung saan kailangang patunayan ng prosekusyon ang mga paratang laban sa dating alkalde.

Kaugnay na Balita