Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 7 Oktubre 2026 7 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 5-9-5

Naujan, Oriental Mindoro ASF free pa rin

Hinimok naman ang mga residente at biyahero na makipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa mga umiiral na quarantine protocols.

I-share

NAUJAN, Oriental Mindoro — Nananatiling African Swine Fever (ASF)-free ang bayan ng Naujan habang patuloy na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan ang mahigpit na quarantine checkpoints upang maiwasan ang pagpasok at pagkalat ng sakit.

Ayon sa Office of the Municipal Agriculturist ng Naujan, pangunahing layunin ng kasalukuyang quarantine checkpoints na maprotektahan ang mga alagang baboy at iba pang sektor ng agrikultura laban sa ASF.

Kabilang sa mga hakbang ang mahigpit na pagbabantay sa mga pumapasok na sasakyan at produktong maaaring magdala ng virus na sanhi ng ASF.

Hinimok naman ang mga residente at biyahero na makipagtulungan sa mga awtoridad at sumunod sa mga umiiral na quarantine protocols.

Mahalaga ang pagpapatupad ng mga hakbang na ito upang mapanatiling ASF-free ang Naujan at maprotektahan ang kabuhayan ng mga hog raiser at magsasaka sa bayan.

Kaugnay na Balita