Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 30 Setyembre 2026 30 Set 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 7-1-9

MinSU Gloria extension campus, sisimulan na

May bagong itatayong extension campus ang Mindoro State Universitiy o MinSu sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro.

PHOTO COURTESY OF ORIENTAL MINDORO PIO
May bagong itatayong extension campus ang Mindoro State Universitiy o MinSU sa bayan ng Gloria, Oriental Mindoro.PHOTO COURTESY OF ORIENTAL MINDORO PIO
I-share

GLORIA, Oriental Mindoro — Nagsimula na ang pagtatayo ng Mindoro State University (MinSU) Gloria Extension Campus, kasunod ng isinagawang seremonya ng pagbubukas ng konstruksyon para sa dalawang gusaling popondohan sa pamamagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Pinangunahan nina Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor,Gloria Mayor Teresita Ong, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Gloria at MinSU President Enya Apostol ang seremonya para sa konstruksiyon ng ₱55 milyong gusali ng MinSU at ₱20 milyong Administrative Building sa bayan.

Itatayo ang MinSU Gloria Campus sa 10,000-square-meter na lupang ipinagkaloob ng Bilihan sa Nayon Corporation.

Inaasahang malaking tulong ang bagong campus sa mga kabataang Glorianos at mga estudyante mula sa mga karatig-bayan na nais makapag-aral sa pampublikong unibersidad nang hindi nagbabayad ng matrikula.

Ayon sa mga opisyal, ang proyekto ay katuparan ng pangarap na mapalapit sa mga kabataang Mindoreño ang dekalidad at abot-kayang edukasyon.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga lokal na opisyal sa PAGCOR, sa pangunguna ni Chairman Alejandro Tengco, gayundin sa mga katuwang na ahensya at opisyal ng pamahalaan, kabilang sina Department of Education Secretary Sonny Angara, Mayor Ong, Gov. Dolor at President Apostol, sa pagsuporta sa proyekto.

Ang pagtatayo ng MinSU Gloria Extension Campus ay inaasahang magbibigay ng mas maraming oportunidad sa edukasyon para sa mga kabataan sa Gloria at mga kalapit na bayan sa Oriental Mindoro.

Kaugnay na Balita