AGONCILLO, Batangas – Kasalukuyan ang ginagawang paglilikas sa mga residente ng mga Barangay Banyaga at Bilibinwang sa Agoncillo, Batangas na apektado ng pagputok ng Bulkan Taal.
Ayon kay Mayor Cinderella Reyes, maraming mga residente ang nagpaparescue dahil sa masangsang na amoy na dulot ng asupre at sa bumagsak na abo o ashfall.
May 28 pamilya na ang dinala sa socia civic building sa Barangay Pansipit.
Marami naman ang tumuloy sa mga kamag-anak mula sa mga Barangay ng Banyaga, Bilibinwang at Subic Ilaya.
Patuloy pa rin ang paglilikas ng mga tauhan ng MDRRMO, Batangas PDRRMO, mga pulis at Philippine Red Cross.
Bagama’t kalmado na ang bulkan Taal nangangamba umano ang mga residente na baka magkaroon muli ng pagputok.
Ayon sa PHIVOLCS, pumutok ang Bulkan Taal sa Batangas bandang 6:06 ng gabi, Huwebes, October, 8,2026.
Phreatomagmatic eruption ang naganap na pagputok sa main crater ng Bulkan Taal na tumagal lamang ng 5 minuto.
Lumikha ito ng dark gray na usok na may taas na 4,000 metro mula sa crater.
Inaasahan ang maninipis na ashfall sa southwestern area ng lawa ng Taal kasama ang Agoncillo, Lemery, San Nicolas, Taal, Batangas at mga kalapit na lugar.