Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 7 Oktubre 2026 7 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-9-2

Mga diesel na ibinibenta umano ng walang permit ,nasamsam sa San Jose, Occidental Mindoro, 1 arestado

Inaresto ang isang indibidwal matapos hindi makapagpakita ng mga dokumentong nagpapatunay sa legal na pagmamay-ari, pagbebenta o pinagmulan ng diesel.

Tinatayang ₱129,720 ang halaga ng mga nakumpiskang diesel.MIMAROPA PNP
I-share

SAN JOSE, Occidental Mindoro — Nasamsam ng pulisya ang nasa 1,380 litro ng diesel na walang kaukulang permit at dokumento sa Barangay Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro.

Tinatayang ₱129,720 ang halaga ng mga nakumpiskang diesel.

Ayon kay MIMAROPA PNP Regional Director, PBGen. Christopher Dela Cruz, nakatanggap ang pulisya ng 911 call mula sa isang concerned citizen na nagbigay ng impormasyon tungkol sa umano’y ilegal na pag-iingat at pagbebenta ng malaking volume ng diesel.

Inaresto ang isang indibidwal matapos hindi makapagpakita ng mga dokumentong nagpapatunay sa legal na pagmamay-ari, pagbebenta o pinagmulan ng diesel.

Kabilang sa mga nakumpiska ang limang asul na drum na may tig-200 litro, siyam na itim na container na may tig-25 litro, apat na berdeng container na may tig-30 litro, isang puting container na may 20 litro, at isang dilaw na container na may 15 litro ng diesel.

Isinagawa ang operasyon ng San Jose Municipal Police Station, katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Occidental Mindoro, Regional Intelligence Division, at 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company.

Nahaharap ang inarestong indibidwal sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33, na inamyendahan ng Presidential Decree No. 1865.

Kaugnay na Balita