Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 4 Oktubre 2026 4 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-9-6

Mangingisda nalunod habang sumisisid para hulihin ang malaking isda sa pagitan ng Romblon at Mindoro

Agad umanong sumisid ang biktima upang hulihin ang isda at hinabol ito sa ilalim ng dagat ngunit kinapos na siya ng hininga.

Nasawi ang 42 anyos na mangingisda matapos sumisid upang tangkaing hulihin ang malaking isda sa pagitan ng Romblon at Mindoro.COURTESY OF TITO PORRAS
I-share

MANSALAY, Oriental Mindoro — Nasawi ang isang 42-anyos na mangingisda matapos sumisid para mahuli umano ang isang malaking isdang nakita sa karagatan sa pagitan ng Tablas Island sa Romblon at Mindoro nitong Sabado.

Ayon kay Gilbert Esteban, kagawad ng Barangay B. Del Mundo sa Mansalay, nangyari ang insidente pasado alas-5 ng umaga.

Sakay ng isang pangulong, o malaking bangkang pangisda, ang biktima at iba pang mangingisda nang mapansin umano nila ang malaking isda habang iniaahon ang kanilang lambat.

Agad umanong sumisid ang biktima upang hulihin ang isda at hinabol ito sa ilalim ng dagat.

Ngunit higit 27 metro umano ang lalim ng bahagi ng dagat kung saan siya sumisid at hindi na umano kinaya ng biktima ang lalim at kinapos ng hininga hanggang sa tuluyang malunod.

Sinubukan pa siyang sagipin ng kanyang mga kasamang mangingisda, ngunit hindi na siya nailigtas.

Iniuwi na sa Mansalay, Oriental Mindoro, ang kanyang mga labi.

Kaugnay na Balita