Lumaktaw sa nilalaman
Miyerkules, 7 Oktubre 2026 7 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 8-9-2

Mag-asawang utak sa pagpatay sa negosyante na kanilang inutangan 17 taon na ang nakalipas sa Cavite, arestado

Ang mag-asawang Solis ang itinuturo umanong kumuha ng gunman para patayin noong June 14, 2009 ang babaeng negosyante na kanilang inutangan sa Tanza, Cavite na naniningil na sa kanila.

Sa isang bahay sa Calauan,Laguna naaresto ang mag-asawang wanted sa pagpatay sa babaeng negosyante na kanilang inutangan noong 2009 sa Tanza, Cavite.REGIONAL INTELLIGENCE DIVISION- CALABARZON PNP
I-share

CAMP VICENTE LIM, Laguna –  Tapos na ang 17 taon pagtatago sa batas ng mag-asawang utak umano sa pagpatay sa isang negosyante na kanilang inutangan sa Tanza,Cavite.

Natunton ng mga tauhan ng Regional Intelligence Division ng Calabarzon PNP  sa kanilang bahay sa Hardin Street sa Barangay Lamot 2, Calauan, Laguna ang mag-asawang  suspek na sina  Crisostomo Solis , alyas Cris at Ma. Teresita Solis, alyas Tessie/ Buchay.

“nakapag-establish na sila ng negosyo doon kasi nga 17 years na nagtago akala nila hindi na sila masundan then nakakuha tayo ng impormasyon at base doon sa mga informant natin na andoon nga sa Calauan” sabi ni PCol. Vicente Cabatingan, hepe ng Regional Intelligence Division ng Calabarzon PNP.

May warrant of arrest ang mag-asawa sa kasong murder na iniisyu ng Regional Trial Court ,4th Judicial Region,Branch 23 sa Trece Martirez City kung saan walang piyansang inirekomenda.

Ang mag-asawang Solis ang itinuturo umanong kumuha ng gunman para patayin noong June 14, 2009 ang babaeng negosyante na kanilang inutangan sa Tanza, Cavite na naniningil na sa kanila.

“sa halip na bayaran nila yung kanilang utang ay pinatrabaho itong negosyante na itong babae at kanilang ipinapatay  kaya itong mag-asawa ay nakasuhan ng murder at itong mag-asawa simula noon ay nagtago kung saan-saan ” sabi ni PBGen Dominic Baccay, Regional Director ng Calabarzon PNP.

Nakakulong na ang mag-asawa sa Magallanes Custodial Facility.

 

Kaugnay na Balita