Lumaktaw sa nilalaman
Martes, 6 Oktubre 2026 6 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 3-4-0

Libreng CT Scan, inilunsad sa San Pablo District Hospital sa Laguna

Kasabay ng paglulunsad ng serbisyo ang pag-upo ni Dr. Jordan Malveda bilang bagong punong ospital ng San Pablo District Hospital.

Malaking ginhawa para sa mga pasyente ang pagkakaroon ng libreng CT Scan sa San Pablo District Hospital dahil hindi na nila kailangang bumiyahe sa Maynila o sa ibang lalawigan para lamang magpa-CT scan, lalo na kung kinakailangan ang agarang pagsusuri.LAGUNA PIO
I-share
Advertisement

SAN PABLO CITY, Laguna — Wala nang gastos sa CT  Scan ang mga kwalipikadong pasyente sa San Pablo District Hospital matapos buksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna ang libreng serbisyo nito nitong Lunes, Oktubre 5.

Kasabay ng paglulunsad ng serbisyo ang pag-upo ni Dr. Jordan Malveda bilang bagong punong ospital ng San Pablo District Hospital.

Ayon kay Governor Sol Aragones, layunin ng programa na alisin ang malaking gastusing kinakaharap ng mga pasyenteng nangangailangan ng CT scan para matukoy agad ang kanilang karamdaman.

“Tapos na ang paghihirap ng sinumang hindi makapagbayad para sa CT Scan.”

Advertisement

Iginiit ni Aragones na hindi dapat maging hadlang ang kakulangan sa pera para makakuha ng tamang pagsusuri at paggamot.

Malaking ginhawa naman ito para sa mga pasyente dahil hindi na nila kailangang bumiyahe sa Maynila o sa ibang lalawigan para lamang magpa-CT scan, lalo na kung kinakailangan ang agarang pagsusuri.

Ayon kay Malveda, makatutulong ang pagkakaroon ng CT scan sa ospital upang mapabilis ang diagnosis at maagapan ang mga sakit, partikular sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.

Pinapayuhan ang mga nais makinabang sa libreng serbisyo na makipag-ugnayan muna sa pamunuan ng San Pablo District Hospital para sa mga kinakailangang dokumento at iskedyul.

Para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, malinaw ang mensahe: hindi dapat maging pribilehiyo ng may pera ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Advertisement

Kaugnay na Balita