Lumaktaw sa nilalaman
Linggo, 4 Oktubre 2026 4 Okt 2026
TBSTNews OnlineTotoong Balita sa Southern Tagalog
Ito ang Totoo! www.totoongbalita.com
Swertres 9-9-6

Gov. Aragones, nakisaya sa selebrasyon ng National Teachers’ Month, tiniyak ang suporta sa edukasyon

Ayon kay Gov. SolAragones, patuloy ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa Department of Education (DepEd) at kay Education Secretary Sonny Angara para sa pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa mga guro at mag-aaral.

Nakisaya si Gov. Sol Aragones sa pagdiriwang ng National Teachers' Month na ginanap sa Enchanted Kingdom sa Santa Rosa City, Laguna.LAGUNA PIO
I-share

SANTA ROSA CITY, Laguna — Nakiisa si Laguna Gov. Sol Aragones sa libu-libong guro mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month sa Enchanted Kingdom.

Sa pagtitipon, muling ipinahayag ni Aragones ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga guro at sa sektor ng edukasyon, na aniya’y mahalagang bahagi ng pag-unlad ng Laguna.

“Malapit sa puso ko ang mga guro at ang edukasyon dahil naniniwala ako na ang dekalidad na edukasyon ay isang sagot sa kinabukasan ng lalawigan,” ani Aragones.

Ayon sa gobernador, patuloy ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan sa Department of Education (DepEd) at kay Education Secretary Sonny Angara para sa pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa mga guro at mag-aaral.

Kabilang dito ang pagtatayo ng mga bagong gusali at pasilidad sa mga paaralan upang mapabuti ang learning environment at matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa lalawigan.

Nagpasalamat naman ang mga gurong dumalo sa mga programa ng pamahalaang panlalawigan, kabilang ang mga hakbang na nakatuon sa kapakanan ng sektor ng edukasyon.

“Masaya po kami sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Gob. Aragones—hindi lamang po sa health kundi pati na rin po sa aming sektor, sa edukasyon, mga mag-aaral at mga guro,” pahayag ng isang gurong dumalo sa programa.

Kaugnay na Balita